Saturday, September 5, 2009

So-called Bed...Waterbed? Bwiset!

After eating my dinner at around 1AM, after facebooking and tweeting, after watching tv, and after dishwashing, whats the next best thing to do? Yeah! You got it right! Time to sleep...

Teka!!! Anong meron sa kwarto ko? My bukal ng tubig? Oo nga bukal! Mali. Fountain kaya? May himala! Tanga! Tumutulo yung kisame. Potek! Basang-basa ang so-called bed ko, pati ilang mga damit at brief ko! Peste, pati yung kumot at unan ko pala. Pati bag ko. Nakakainis!

Idagdag mo pa ang housemate mong KAIBIGAN mo pa ng halos 6 na taon na sobrang insensitive and walang pakialam. Hindi man lang nag-aya na palipasin ko ang gabi sa room nya. Concern naman kahit pano, pero nakakainis yung suggestion, isabit ko daw ung planggana sa kisame! Kung hindi ka tanga at kalahati, imposible yung naiisip mo, hindi ka ba nag-aral sa physics ng balance and gravitational pull. Yung naiisip mong ideya, e lalong magpapahamak sakin. Baka pag puno na yung planggana bumuhos pa sakin. Pumunta kana sa kwarto mo at itulog mo nalang yang utak mong babad sa tubig. Bahain ka sana.

Ngayon matutulog akong nakaupo at pabaluktot sa so-called kung bed. Na may katabing planggana. First time ko to. Waterbed, pangmayaman! Este wetbed pala...ay potek! Pati extra kong kumot at pillowcase nabasa din, pati ilang damit na naka-hanger. Para tuloy may tiktak ng orasan akong naririnig sa bawat patak ng tubig sa plangganang nakapatong sa so-called kung bed.

Goodnight. Goodluck. Sweet Dreams. Wag sana akong magka-back pain at stiff neck. Housemate may araw ka rin....

No comments:

Post a Comment